Nagkaroon ng isang Breast and Prostate Cancer Awareness Seminar noong Disyembre 14 , 2016 sa Pavilion Hall, City Hall ng San Pedro. Ang Prostate Cancer Awareness Program ay inilunsad ng City Health Office sa pangunguna ni City Health Officer, Dr. Robert Olivarez, Chief Nurse Riah Fojas at Reynante Arboleda.
Halos 200 katao mula sa Samahang Kababaihan at Kalalakihan ng San Pedro ang dumalo sa programang pangkalusugang ito.
Pinangunahan ni Ma. Celinita Mahalin, midwife, ang diskusyon tungkol sa breast cancer at si Reynante Arboleda naman ang namahagi ng kaalaman patungkol sa Prostate Cancer.
Isang Open forum din ang naganap para sa mga katanungan ng mga dumalo patungkol sa breast and prostate cancer. Isinagawa ito upang mabigyan pa ang mga panauhin ng karagdagang impormasyon tungkol sa cancer. Ito ay sa pangunguna ni Chief Nurse Riah Fojas.
Sa mensahe ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, kanyang binigyang importansya ang pagkakaroon ng “Healthy lifestyle”. Sinabi rin niya na ang pagpapatingin sa doktor ng maaga, o ang early detection ay isang malaking bahagi upang makaiwas sa mas malalang karamdaman.
Dahil ang kanser ay itinuturing na isang maiiwasang sakit, layon ng seminar na ito na mabigyan ng karagdagang kaalaman kung papaano makakaiwas at mabawasan ang panganib ng cancer.