Masayang pinasimulan ang Paskuhan sa San Pedro 2016 noong Disyembre 1, 2016 na may temang “Pagmamahalan sa Puso ng Mamamayan” sa San Pedro City Plaza sa ganap na ika-7:00 ng gabi.
Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, city councilors, Kon. Bobot Berroya, Kon. Kent Lagasca, Kon. Carlon Ambayec, Kon. Bernadette Olivares, Kon. Romeo Marcelo, former mayor Calex Cataquiz at City Administrator Fil Sibulo, ang pagbubukas ng Paskuhan sa pamamagitan ng CHRISTMAS TREE LIGHTING.
“Da Best Ang Pasko sa San Pedro” dahil kitang-kita ang magandang dekorasyon ng stage dahil sa liwanag ng kapaligiran. Damang-dama ng lahat ang Diwa ng Kapaskuhan at lalo pang pinasigla ng makukulay na fireworks.
Sa mensahe ni Mayor Baby Cataquiz, hinikayat niyang makiisa at makisaya sa isang buwang presentasyon ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ng lungsod. Pinasalamatan din ni mayor Baby Cataquiz ang lahat ng mga bumuo ng PASKUHAN 2016.
Ang gabi-gabing palabas na hanggang December 30 ay siguradong nakaaaliw na ihahandog ng mga iba’t-ibang paaralan sa kani-kanilang Gabi ng Pagdiriwang upang bigyan ng kasiyahan ang mga mamamayan ng San Pedro para sa darating na kapaskuhan.
Kasama din sa programa sina DepEd Supervisor Dr. Jovito M. Bercenas, Event Chairperson Diwa Tayao, Fr. Pablo T. Bugay Jr., mga punong barangay, SPTI Administrator Dominador Marmeto, Department heads at mga city employees, Youth Officials,School Principals at mga mag-aaral ng iba’t-ibang paaralan.