Idinaos ng Department of Education sa pangunguna ni Dr. Jovito Barcenas, District Supervisor, ang pagbubukas ng 7th Laguna Musikahan 2016 na may temang: Pagyamanin natin, Muikang atin “ sa San Pedro Central Elementary School covered court, ngayong Disyembre 1, 2016. Ang dalawang araw na paligsahan ay magaganap ngayong Disyembre 1 at Disyembre 8,2016 sa San Pedro Astrodome.
Ang patimpalak na ito ay layong linangin ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng musika at pag-awit.
Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya, ang kani-kanilang talento sa iba’t-ibang patimpalak gaya ng Balye sa Kalye, Folk Dance, Solo Voice at Duet.
Kasama ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz si Dr. Josilyn S. Solana CESO V, Schools Division Superintendent, bilang panauhing pandangal ng programa. Nakiisa rin sina Kon. Jimbo Ambayec, Kon. Bobot Berroya, Diwa Tayao, CSWD head, Fatima Autor, mga guro at mag-aaral.