Isinagawa ng San Pedro City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) and Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) sa ganap na 9:00 am ngayong Oktubre 19, 2016 sa Ceremonial Hall ng San Pedro City Hall .
Pinangunahan ni Vernet Nico Pavino, San Pedro CDRRMO Officer in Charge ang PDRA. Tinalakay ang mga ginagawang paghahanda ng lungsod para sa paparating na Super Typhoon “Lawin”. Handa na ang mga rescue supplies equipment tulad ng radio, generator, life vest, bangka, medical supplies, mga sasakyan at iba pa. Gayundin ang mga evacuation center sa San Pedro Town Center, Central covered court, Landayan covered court, Pacita 1 Elementary School, Cuyab covered court at Calendola covered court at mga relief goods.
Pinag-usapan din ang gagawing aksyon na alinsunod sa Incident Command System (ICS) upang maging organisado at maayos ang gagawing mga operasyon sa oras na dumating ang Super Typhoon Lawin sa siyudad ng San Pedro.
San Pedro CDRRMO Hotline: (02) 403-2648