Buong pwersa ng kapulisan ng Lungsod ng San Pedro ang nanguna sa Anti-Illegal Drug Summit na ginanap sa San Pedro Astrodome noong ika-6 ng Setyembre 2016. Puno ang Astrodome nang halos isang libong estudyante kasama ang kanilang mga guro mula sa iba’t-ibang paaralan ng San Pedro. Ang mga dumalo rin sa okasyong ito ay sina Vice Mayor Iryne Vierneza, konsehales ABC President Romeo Marcelo, Edgardo Berroya, Jaime Ambayec, Carlon Ambayec, Kent Lagasca, Delio Hatulan, at Bernadeth Olivares Cuevas.
Nagbigay ng testimonya ang mga kalalakihang galing sa Inner City Recovery Homes International, sa pamumuno ni Pastor Christian Wilson ng Victory Outreach Church sa San Pedro. Nagkuwento sila tumgkol sa kanilang pagkahumaling sa droga at ang kanilang pagtigil dito nang matagpuan nila ang Diyos sa kanilang buhay.
Sinimulan ni San Pedro City Police OIC P/Supt. Harold Depositar ang proograma. Hinimok niya na isama ang mga kabataan sa patutuloy na laban kontra droga. Ayon sa local police report, mahigit na 1,300 pushers at users na ang sumuko na sa Kalupisan ng San Pedro mula ng maisagawa ang Oplan Tokhang.
Nagpanukala si DILG OIC Jennifer Quirante na magtayo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BDAC). Ang layunin ng BDAC ay upang tulungan ang pamahalaang lungsod sa laban kontra droga. Nanawagan siya sa mga kapitan ng mga barangay na turuan ang kanilang mga nasasakupang mamamayan hinggil sa matinding panganib na dulot ng iligal na droga.
“Tulong tulong po tayo dito. Naniniwala ako na kaya nating kalabanin ang drogang ito hanggang sa ito ay mawala na.” Nanawagan sya sa kabataan na tulungan siya at ang syudad sa isinasagawang laban kontra droga.