Mainit na pagtanggap ang ibinigay ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, City Administrator Filemon Sibulo, San Pedro DILG Officer Jennifer Quirante, CDRRMO Officer Ernie Pagkalinawan, at CPDC Officer in Charge, Eduardo Aribon sa mga bumisitang kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sina Ms. Kelinda Vidal, Digna Herrera, Fatima Alon, at Elaine Tumaclas noong Agosto 30, 2016. Ang mga kawani ng DILG ay bumisita upang magsagawa ng final evaluation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG).
Nagkaroon ng inspeksyon sa Jose L. Amante Hospital, mga evacuation centers sa mga iba’t-ibang barangay gaya ng barangay Landayan, San Vicente, at Calendola. Kanila ring sinuri ang Public Market sa San Pedro Town Center at ang waste segregation program ng pamahalaan. Kasabay rin nito ang pagsuri sa Full Disclosure Policy ng Lungsod.
Ang Lungsod ng San Pedro ay nagkamit ng Seal of Good Housekeeping -Silver Grade noong 2015 at Seal of Good Housekeeping – Bronze Grade noong 2014.