Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

MGA MIYEMBRO NG SALT AND LIGHT INTERATIONAL MULING BUMISITA SA LUNGSOD NG SAN PEDRO

$
0
0

Dumalo ang mga volunteers ng Jecheon Sungdo Youth Church ng Salt and Light International para makatulong sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng mga iba’t ibang aktibidad at pagpapaganda na isinasagawa ngayong linggong ito. Nagpakita rin sila ng kanilang talento sa pag-awit sa lingguhang pagtataas ng watawat sa Bulwagang Pampamahalaan ng Lungsod noong Agosto 22 , 2016 at nagbahagi ng kanilang talento sa mga taga San Pedro sa pamamagitan ng isang munting konsyerto para sa kasiyahan ng lahat.

14115037_1178646822198696_9099924853103874543_o

Ipinakilala ni City Mayor Lourdes Cataquiz ang pinuno ng mga boluntaryo na si Mr. Young Kim at Ms. Ara, ang kanyang mga kasama at ang kanilang mga balak na gawain sa mga susunod na araw. Magpipintura sila sa “Putol” sa Barangay Cuyab, maglulunsad din ng programang pagpapakain sa mga mag-aaral ng Landayan Elementary School sa Barangay Landayan. Magkakaroon din sila ng mga gawaing pagpapaganda ng tanawin ng San Pedro. Nagbigay din ng suhestiyon si City Mayor Lourdes Cataquiz sa mga volunteers na madala ang kanilang estilo ng pagkaing Koreano sa San Pedro sa kanilang susunod na pagbalik sa Pilipinas. Winika ni Mayor na “ Ang pagkain ng mga Koreano ay puno ng sustansya, at ito’y makapaghihikayat sa mga batang San Pedro na kumain na ng pampalusog na pagkain sa murang edad pa lamang ”.

Ang Salt and Light International ay handang gawin ang lahat para sa ikagaganda ng Lungsod ng San Pedro, na tugma naman sa programang San Pedro Urban Renewal (SPUR) at San Pedro Roadmap 2020 na sinimulan ni dating Mayor Calixto R. Cataquiz . Ang lahat nang ito ay para sa isang Magandang San Pedro sa ngayon at sa kinabukasan.

14021739_1178641715532540_797282901038239201_n 14053680_1178638718866173_5369300315217130383_o 14086378_1178651915531520_263562242523951781_o

The post MGA MIYEMBRO NG SALT AND LIGHT INTERATIONAL MULING BUMISITA SA LUNGSOD NG SAN PEDRO appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles