Pinasinayaan ang bagong Barangay Hall ng Sto Niño kahapon, Agosto 21, 2016 sa ganap na alas 4:00 ng hapon. Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang pagpapasinaya kasama sina Kapitan Jing Anchoriz, Vice-Gov. Karen Agapay, Cong. Arlene Arcillas, Vice Mayor Iryne Vierneza, City Councilors, Hon. Kent Lagasca, Hon. Celso Ambayec, DILG Officer Jennifer Quirante, at iba pang kapitan ng mga barangay ng San Pedro. Dumalo din sa okasyon ang mga senior citizens ng barangay, samahang kababaihan ng Laguna (SKL) at mga constituents ng Sto Nino. Nakiisa rin si Ms. Universe Intercontinental 2016, Jennifer Ruth Hammond na tubong Sto Niño, sa nasabing inagurasyon. Nakisaksi at pinangunahan naman ni Rev. Fr. Pablo Bugay ang pagbasbas sa bagong gusali.
Ang gusali ay mayroong tatlong palapag. sa unang palapag, magsisilbi itong pangalawang tahanan ng mga magaaral ng day-care center. habang ang ikalawa at ikatlong palapag naman ang magiging tanggapan ng punong barangay at mga kagawad upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taga Sto Nino.
Sinabi naman ni Mayor Baby Cataquiz na maglalaan siya ng budget para sa mga kagamitan na kinakailangang ng bagong barangay hall. Nagpasalamat naman siya sa lahat ng dumalo at nakiisa sa makasaysayang pagpapasinaya ng gusali.
The post BAGONG BARANGAY HALL NG STO. NIÑO, PINASINAYAAN appeared first on .