11 Agosto 2016 Lungsod ng San Pedro – Sa patuloy na pagsusulong ng Kalusugang Pangkababaihan (Women’s Health) ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, isinagawa noong ika-8 hanggang ika-29 ng Hulyo ng City Health Office ang isang Cervical Cancer Screening Program sa pakikipagtulungan ng Laguna Provincial Population Office – Clinical Services of the Provincial Government. Nagbigay ng libreng serbisyo ang Provincial Population Office upang maisagawa ang paraan ng pagsusuring gynecological na tinatawag na Visual Inspection gamit ang Acetic Acid (VIA) at Pap Smear. Ayon sa ulat ni CHO Chief of Nursing Service Office Riah R. Fojas, napagkalooban ng serbisyo ang kabuuang 352 na mga kababaihan sa 12 barangay ng: Langgam, Bagong Silang, Estrella, Narra, Riverside, Laram, United Better Living, Calendola, Sampaguita, GSIS, United Bayanihan at Magsaysay.
The post TAGUMPAY ANG CERVICAL CANCER SCREENING PROGRAM NG CITY HEALTH OFFICE appeared first on .