Pinulong ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) noong Agosto 10, 2016, sa City Hall ng San Pedro, upang paghandaan ang anumang kalamidad na darating sa ating lungsod.
Layunin ng pulong na iparating sa mga lokal na opisyal ng lungsod ang kanilang mahalagang papel sa panahon ng kalamidad.
Tatlong bagay ang dapat maisakatuparan; Disaster Preparedness, Rescue and Relief and Rehabilitation.
Nakahanda na rin ang mga evacuation centers sa San Pedro Town Center, Central Covered Court, Landayan Covered Court at Pacita Elementary School. Ang mga relief operations naman ay nakahanda na rin upang magbigay tulong sa mga maapektuhan ng kalamidad.
Kasama sa pulong ang CDRRMC, City Environment Office (CENRO) , Public Affairs and Information Office (PAIO), City Budget Office, City Planning and Development Office (CPDO) , City Fire Auxiliary Unit (CFAU) , General Services Office (GSO) , DILG-San Pedro, City Health Office, San Pedro PNP, DEPED, Engineering Office at Public Order and Safety Office (POSO).
The post PAGHAHANDA SA KALAMIDAD appeared first on .