Ang first 1000 days ni baby, pahalagahan para sa malusog na kinabukasan. Ito ang tema ng Nutrition Month 2016, na ipinagdiriwang ng San Pedro ayon sa Presidential Decree 491 – Nutrition Act of the Philippines.
Ang mga daycare workers, guro, magulang at ang mga bata ay nagtipon sa City Plaza noong Hulyo 29, 2016 para ipagdiwang ang Nutrition Month 2016. Isang masayang selebrasyon ang naganap. Ang okasyon ay pinasigla ng pagdalo nina City Councilors Bobot Berroya, Kent Lagasca, former councilor Diwa Tayao, City Health Officer Dr. Robert Olivarez, DILG Officer Aurora Robles, City Nutrition Action Officer Angelina Tapan, Barangay Captains Cora Amil (Landayan), Mario Pastidio (Cuyab), Emmanuel Chavez (Sampaguita), Romeo Poyaoan (Langgam), Ruby Adajar (Laram), at isang kinatawan ni Ginoong Ronaldo Orlain (GSIS), gayundin ng mga espesyal na panauhin mula sa WorldFriends Youth Volunteers mula sa Korea. Nagbigay si Konsehal Berroya ng kanyang maikling mensahe sa mga dumalo, kung saan binigyang diin niya ang wasto, angkop at kagyat na nutrisyon ng sanggol. Ayon sa kanya, hindi tuwing Hulyo lamang, kakainin ng sanggol ang masustansyang pagkain katulad ng prutas at gulay, kundi araw-araw dapat magbigay sa unang 1000 days ng baby ng masustansyang pagkain para sa kanyang malusog na kinabukasan. Nagbigay din sina dating konsehal Diwa Tayao, DILG Officer Aurora Robles at City Health Officer Dr. Robert Olivarez ng kanilang mensahe ukol sa nutrisyon.
Naganap ang iba’t-ibang makabuluhang gawain tulad ng Cooking Contest, Gulayan sa Day Care Center, at Nutri Trivia games para sa kaliwan ng mga panauhin. Ang mga nanalo sa cooking contest ay ang mga sumusunod:
3rd – Filinvest, Barangay Bagong Silang
2nd – Barangay Chrysanthemum
1st – Barangay United Bayanihan
The post NUTRITION MONTH 2016: ANG FIRST 1000 DAYS NI BABY, PAHALAGAHAN PARA SA MALUSOG NA KINABUKASAN appeared first on .