Idinaos ang buwanang pulong ng San Pedro Police Advisory Council at Technical Working Group na pinangunahan ni San Pedro Police Chief P/Supt. Harold Depositar at Konsehal Delio Hatulan sa Office of the Mayor noong Hulyo 27, 2016 sa Mountainview meeting room.
Ang mga paksang tinalakay ay ang COMSTAT briefing, OPLAN TOKHANG, at iba pang mga isyu tungkol sa krimen. Ayon kay P/Supt. Depositar, linggu-linggo (on average), 5-6 ang nahuhuling krimen na may kaugnayan sa droga. Sa kasalukuyan, 834 na ang mga sumuko na mga drug pusher at user sa Lungsod ng San Pedro. Patuloy na pinaiigting ng ating kapulisan ang pagsugpo sa droga sa ating syudad at umaasa silang ang bilang ng mga susuko ay madadagdagan pa sa mga darating na araw.
The post SAN PEDRO POLICE NAGBIGAY NG UPDATE UKOL SA OPLAN TOKHANG appeared first on .