29 Hunyo 2016 Lungsod ng San Pedro – Alas diyes nang umaga unti-unting nagdatingan ang nakatakdang manumpa sa panunungkulan na mga halal ng bayang mga konsehales ng Lungsod sa Hall of Justice.
Ang limang mga konsehales ay sina:Kgg. Marlon Acierto, Bernadeth Olivares Cuevas, Jamie Ambayec, Edgardo “Bobot ” Berroya, Kent Lagasca at Delio Hatulan. Ito ay bahagi lamang ng mga seremonyas patungkol sa panunumpa. May panunumpa pa rin na magaganap sa iba pang lugar upang ang lahat nang nahalal ay dumaan sa ganitong proseso sa harap ng mga officiating authorities. Kaugnay nito, may isang misa ng pasasalamat na gaganapin sa San Pedro Apostol Parish na susundan ng isang palatuntunan sa City Plaza, Biyernes 1 Hulyo 2016, ika 3:00 NH.
The post 6 NA HALAL NA KONSEHALES NG LUNGSOD NG SAN PEDRO NANUMPA SA PANUNUNGKULAN KAY JUDGE FRANCISCO DIZON PAÑO NG BRANCH 93 NG LAGUNA RTC appeared first on .