Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

SEMINAR PARA SA KALIGTASAN NG TINDANG PAGKAIN

$
0
0

27-Hunyo, 2016 Lungsod ng San Pedro – Sa pagpapatuloy ng Programang Pangkalusugan ni City Mayor Lourdes S Cataquiz, sa pangangasiwa ng City Heath Office sa ilalim ni Ms Riah Fojas, Chief of Nursing Services, ginanap noong nakaraang Huwebes, ika- 23 ng Hunyo ang isang seminar patungkol sa kung papaano mapangangalagaan nang wasto ang iniaalok na tindang pagkain ng mga miyembro ng San Pedro Night Vendors Association. Sa pamamagitan ng mga inimbitahang lecturers at ipinakitang Video mula naman sa Sanitation Division, tinalakay ang mga paraan upang manatili ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili sa kanilang pagbili ng lutong pagkain. Ito ay ginanap sa Multi-Purpose Hall ng Pamahalaang Lungsod.

seminar_cropped

Ipinaliliwanag muli na ang pangunahing dahilan ng pagkasira ng pagkain ay ang pagkakaroon ng mga mikrobyo o bacteria sa mga pagkain at ang mabilis na pagdami nito sukdang ipagkasakit ng sinumang kakain nito.

Ang ilang paraan upang maiwasan ang mula sa sirang pagkain , ayon sa seminar, ay ang sumusunod:
1) Kailangang malinis o nagsasagawa ng tamang personal hygiene ang sinumang maghahanda o hahawak ng pagkain.

2) Iwasan na ang paghawak sa pagkain kung ang food server ay may sakit.

3) Ihiwalay o ibukod ang hilaw sa lutong pagkain at iwasang gamitin ang mga kitchen utensils na ginamit sa hilaw sa paghahanda at pagsisilbi ng lutong pagkain.

4) Panatilihing nasa tamang temperatura (4 degrees Celsius) ang hilaw o maging ang lutong pagkain. Kainin o ubusin ang lutong pagkain sa loob nang dalawang oras pagkaluto. Kung may labis ay ilagay kaagad ang mga ito sa loob ng refrigerator sa loob din ng dalawang oras matapos mailuto.

5) Dahil ang mga vendors ay itinerant, seguruhing laging may tubig, sabon at tuwalya ang vendors upang mapanatili ang kalinisan ng kamay, gayundin ay gumamit ng nakatakdang gwantes na plastic para sa mga food handlers. – (iae/mgb/bma/PAIO)

The post SEMINAR PARA SA KALIGTASAN NG TINDANG PAGKAIN appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

Trending Articles