Dumalo ang ilang miyembro ng City and Municipal Treasurers’ League of Laguna para sa kanilang monthly meeting at oathtaking ceremony para sa bagong officers. Ito ay naganap kahapon (Pebrero 18, 2016) sa City Hall ng San Pedro. Ang eleksyon para sa mga officers ay ginaganap tuwing ikalawang taon.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng doxology, sinundan ng national anthem, at roll call for participants. Nagbigay ng maikling mensahe ang pangulo ng grupo at City Treasurer ng San Pedro na si Enelyn D.S. Abaigar. Dumalo din sa proceedings si City Mayor Lourdes Cataquiz pati ang dating Mayor Calixto Cataquiz, kung saan nagbigay sila ng inspirational message para sa bagong officers. Nagbigay din ang OIC – Regional Director, BLGF Reg. IV-A na si Dir. George T. Roma ng makabuluhang mensahe para sa mga dumalo.
Nagpulong ang bagong officers matapos ang event tungkol sa Treasury Issues and Concerns, Turnover of Records para sa mga officers, at iba pang issues tungkol sa status ng Lungsod ng San Pedro pati nang Probinsya ng Laguna hinggil sa pananalapi.
The post MGA MIYEMBRO NG CITY AT MUNICIPAL TREASURERS’ LEAGUE OF LAGUNA NANUMPA NG KATAPATAN SA KANILANG TUNGKULIN appeared first on .