Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all 1703 articles
Browse latest View live

SAMPAGUITA UNITY LEI 2018

$
0
0

Bumango ang buong kapaligiran dulot ng malamyos na amoy ng sampaguita ng isagawa ang “Sampaguita Unity Lei” sa City Plaza noong May 3, 2018, sa pamumuno ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, katuwang ang mga department heads at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga representante ng 27 barangay, NGOs, at iba pa.
Umabot sa 81 na metro ang mga tinuhog na sampaguita at pinagdugtung-dugtong upang makabuo ng isang unity lei. Layon nito na maipakita ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga mamamayan ng San Pedro. Ang paglalatag ng unity lei ay alinsabay sa pagdiriwang ng Sampaguita Festival 2018.

The post SAMPAGUITA UNITY LEI 2018 appeared first on .


PAGGUNITA SA SINING, KULTURA AT KASAYSAYAN

$
0
0

Naging masaya at masigla ang umaga ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, pamunuan ng iba’t-ibang barangay, public school teachers & students, San Pedro Athletes, Zumba Girls, NGOs, mga residente ng San Pedro, at iba pa, ng bumisita at nakibahagi si “Umagang Kayganda” host Gretchen Ho sa pagdiriwang ng Sampaguita Festival 2018 sa City Plaza noong May 3, 2018. Layon nito na maigunita ng pista ang kahalagahan ng Sampaguita sa kultura ng San Pedro, makahikayat ng turismo at paunlarin ang industriya ng sampaguita dito.
Dito’y ipinagmalaki ng San Pedronians ang mga natatanging produkto na gawa sa sampaguita tulad ng sabon, perfume, hand wash, maging ang sampaguita ice cream at sampaguita ice tea; mga kilalang food products & delicacies ng lungsod; at ang isang linggong mga malalaking programa na inihanda ng Pamahalaang Lungsod na makapagbibigay ng tuwa at galak sa lahat. Kasabay ng ABS-CBN live coverage ay nagkaroon din ng photo booth, poster-making contest, sampaguita floral making competition, sampaguita unity lei, magician at fortune teller upang higit pang pasiyahin ang mga mamamayang nagtungo sa City Plaza. Kasama rin sa isang linggong selebrasyon ang La Torre Band, Ginoo at Binibining San Pedro, San Pedro Got Talent, Cultural Night at marami pang iba.
Bago pa magsimula ang programa sa Plaza ay isinagawa din ang Grand Parade na nagsimula sa Centro Pacita patungo ng Plaza, kung saan nag-abang ang lahat bilang hudyat ng pormal na pagsisimula ng programa dito.
Ang Grand Parade ay pinangasiwaan ng San Pedro POSO-TMU, katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Incident Management Team (IMT), San Pedro Volunteer groups (Kabalikat Charity San Pedro, Kabalikat Guardians, Pro-riders), CSU, CFAU, San Pedro Aktibo Rescue Crew, Bureau of Fire Protection, City Health Office at San Pedro PNP.

The post PAGGUNITA SA SINING, KULTURA AT KASAYSAYAN appeared first on .

ISKOLAR NG LUNGSOD NG SAN PEDRO (ILSP) NOW ACCEPTING APPLICANTS

$
0
0

The Iskolar ng Lungsod ng San Pedro (ILSP) Program is open to underprivileged but deserving COLLEGE students who are bonafide residents of the City of San Pedro. Only those belonging to the indigent sector, whose family income does not exceed P300,000 per annum will qualify. For inquiries, please call the ILSP office at 808-2020 local 314.

The post ISKOLAR NG LUNGSOD NG SAN PEDRO (ILSP) NOW ACCEPTING APPLICANTS appeared first on .

CLEARING SA SITIO PINAGKAISA BRGY. SAN ANTONIO, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

$
0
0

 

Bakante, maaliwalas at maayos na ngayon ang Sitio Pinagkaisa sa Brgy. San Antonio matapos na maisagawa ang clearing operations dito na pinangasiwaan ng City Urban Development Housing Office sa pamumuno ni Ms. Melizza Tipon at City Anti-Squatting na pinamumunuan naman ni Ms. Arlene Quinto.
Ayon kay Quinto, binigyan ng financial assistance ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at inilikas ang 68 pamilya sa may Bayan Bayanan, Brgy. San Vicente upang sila ay makapagsimula na ng panibago at maayos na pamumuhay na may sariling bahay, kuryente at tubig; malapit sa paaralan at health centers, at higit sa lahat, malayo sa nakagisnan nila sa ilalim ng tulay kung saan napakadelikado at magulo ang kapaligiran.

The post CLEARING SA SITIO PINAGKAISA BRGY. SAN ANTONIO, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA appeared first on .

MAY 2018 – LIST OF VACANT POSITIONS

$
0
0

 

No. Position Title Plantilla Item No. Salary/ Job/ Pay Grade Monthly Salary Qualification Standards Place of Assignment
Education Training Experience Eligibility Competency         (if applicable)
1 Sanitation Inspector II 278 8-1        16,282.00 Completion of two year studies in college 4 hours relevant training 1 year of relevant training Career Service (Subprofessional) First Level Eligibility not applicable City Health Office
1 Electrical Inspector I 441 6-1        14,340.00 High School Graduate or Completion of relevant vocational/trade course none required none required Electrician (Building wiring)                     (-250volts)                                                 (MC 11,s.96-Cat I) not applicable City Engineering Office

Interested and qualified applicants should signify their interest in writing. Attach the following documents to the application letter and send to the address below not later than May 25, 2018.

  1. 3 copies Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with recent passport-sized picture (CS Form No. 212, Revised 2017) which can be downloaded from csc.gov.ph
  2. Performance rating in the present position for one (1) year (if applicable).
  3. Photocopy of certificate of eligibility/ rating/ license and
  4. Photocopy of Transcript of Records
  5.  NBI Clearance
  6. NSO Birth Certificate
  7. NSO Marriage Certificate (for married female)

Qualified applicants are advised to hand carry/ send through courier or email their application to:

HON. LOURDES S. CATAQUIZ (c/o)  CITY HUMAN RESOURCES MANAGEMENT OFFICE

4th Floor, City Hall Building Brgy. Poblacion , San Pedro Laguna

Email: admin@cityofsanpedrolaguna.gov.ph

Applications with incomplete documents shall not be entertained.

Please call HRMO (Human Resource Management Office) at 808-2020 local 406/407 for further inquiries.

The post MAY 2018 – LIST OF VACANT POSITIONS appeared first on .

SPCPC NOW ACCEPTING APPLICANTS FOR SY 2018-2019

$
0
0

 

San Pedro City Polytechnic College (SPCPC)  initially offers bachelor courses in Information Technology, Entrepreneurship, and Business Administration major in Human Resource Development.

  • Entrance examination will be on May 29, 2018
  • Application period is from May 15 – 23, 2018 at the ILSP office, 3rd floor, new city hall building
  • Application is open to graduates of grade 12 senior high school
  • Test permits will only be issued to applicants with complete requirements

Requirements:

  • 2 passport sized pictures with white background
  • COMELEC certification of applicant. If minor, please bring COMELEC certification of parents.
  • Original and photocopy of Form 138

Tuition Fee:

  • 3,000 pesos for San Pedro residents
  • 4,000 pesos for non-residents

This project was initially pursued by then Mayor Calixto R. Cataquiz under his strategic program San Pedro Roadmap 2020. It now finds realization under Mayor Lourdes S. Cataquiz Administration. For inquiries, please call the ILSP office at 808-2020 local 314.

The post SPCPC NOW ACCEPTING APPLICANTS FOR SY 2018-2019 appeared first on .

INSPEKSYON NG TIMBANGAN ISINAGAWA SA MGA PALENGKE

$
0
0

 

Nagsagawa ng inspeksyon, weighing, calibration at check-up ng mga timbangan ang City Treasurer Department at Public Order and Safety Office (POSO) sa Suki Market, May 10, 2018. Isa itong mandatory procedure ng pamahalaang lungsod na ginagawa taun-taon. Ito ay naglalayong magkaroon ng accuracy ang lahat ng timbangan, partikular na sa mga pamilihang lungsod.
Karaniwan nang pinag-aawayan ng kostumer at ng mga nagtitinda sa palengke ang kulang sa timbang at iba pang mga reklamo ng pandaraya kung kaya’t regular na isinasagawa ang operasyong ito lalo na sa bagong stall owners.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga mamimili sa isinasagawang ito ng pamahalaang lungsod, sa tulong nina Ronald Capili, Iwee Temporosa, Louie Torello, Michael Miranda, Roberto Guevarra, Teody Pabale. Anila, malaking tulong ito na mawala ang kanilang agam-agam tuwing mamimili at makaiwas sa pandarayang ito.

The post INSPEKSYON NG TIMBANGAN ISINAGAWA SA MGA PALENGKE appeared first on .

BLESSING OF SAN ANTONIO FIRE SUBSTATION

$
0
0

 

Binasbasan ang kauna-unahang Fire Sub-Station ng lungsod ng San Pedro na matatagpuan sa Brgy. San Antonio, noong ika-16 ng Mayo, 2018 (9am). Ito ay pinangunahan nina Executive Asst. V Aaron Cataquiz, Admin Head Engr. Filemon Sibulo, Public Order and Safety Office head Evangeline Allen; Sr. Insp. Alma Cassandra Gardose, Chief City Fire Marshall ng BFP-San Pedro; at BFP CALABARZON – Assist. Regional Director for Administration Supt. Nahum B. Tarroza. Dito’y inanunsiyo ni Supt. Tarroza ang kanilang nakatakdang pagbabahagi ng 1 fire truck sa naturang sub-station na mapakikinabangan ng mga San Pedronians.
Ang lupa at gusali kung saan nakapuwesto o nakatayo ang Fire Sub-Station ay mula sa kagandahang loob ng Geoland Company.

The post BLESSING OF SAN ANTONIO FIRE SUBSTATION appeared first on .


SAN PEDRONIAN WINS BRONZE AT MS. EARTH PHILIPPINES 2018

$
0
0

 

Congratulations Aubrey Elauria for winning the Best in Cocktail Wear (Bronze award) at the Miss Earth Philippines 2018!!! With or without a crown, you gave the pageant your best!
The prestigious pageant, with this year’s theme, “Diyosa ng Inang Kalikasan,” is a beauty and ecotourism advocacy contest with a total of 42 candidates. Ms. Earth Philippines 2018 was held last May 19, 2018 at the SM Mall of Asia, MOA Arena

 

The post SAN PEDRONIAN WINS BRONZE AT MS. EARTH PHILIPPINES 2018 appeared first on .

AIDS CANDLELIGHT MEMORIAL DAY ISINAGAWA NG PAMAHALAANG LUNGSOD

$
0
0

 

Nagsagawa ng “HIV/AIDS Symposium & Free Confidential HIV Screening” ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro para sa pagdiriwang ng “AIDS Candlelight Memorial Day”, sa Holiday Homes Phase 3 covered court, noong May18 at 19, 2018. Layon ng programang ito, na mula sa ilalim ng Gender and Development (GAD), na paigtingin ang pagpapakalat ng tamang kaalaman, pagpapalakas ng adbokasiya na umiwas sa hindi ligtas na pakikipagtalik at pag-iinvest sa HIV (Human Immunodeficiency Virus) prevention, testing services at iba pang HIV care services.
Ayon sa pamunuan ng City Health Office (CHO), mahalagang malaman kung positibo ang isang tao sa HIV para hindi mauwi sa komplikasyon. Ipinaliwanag din nila na wala mang lunas ang HIV, maaari namang mapigilan ang paglala nito patungo sa estado ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) kung maagapan ng pag-inom ng antiretroviral (ARV) drugs.
Ang programa ay pinangunahan nina City Health Officer Dr. Robert R. Olivarez at head nurse/HIV Proficient Medtech Riah Fojas, katuwang ang mga counselors na sina Cynthia Robles, Ruben Pulga at John Carlo Ensorio. Nakiisa din ang DYSD sa pangunguna ni Napoleon Amil; The Red Ribbon, HIV-AIDS Awareness Campaign Group, mga opisyal at miyembro ng LGBT Holiday Homes Chapter na sina Dario Delposo, Jeffrey Chio at marami pang iba.
Ang AIDS Candlelight Memorial Day ay isinasagawa bilang pag-alala sa PLHIV o Persons Living w/ HIV.

The post AIDS CANDLELIGHT MEMORIAL DAY ISINAGAWA NG PAMAHALAANG LUNGSOD appeared first on .

ALASKA WORLD MILK DAY FUN RUN

$
0
0

 

Alaska Milk Corporation celebrated the World Milk Day last June 1, 2018 at San Pedro City Plaza. The event provided a great opportunity to reinforce the importance of drinking milk and practicing a healthy lifestyle. Alaska promotes family bonding and doing fun activities together, thus, a fun run that all the members of the family can join.
The activities conducted were fun run and zumba. Winners of the fun run were from Brgy. Sto. Niño namely Joshua Guevarra (male champion) and Willie Chavez (female Champion).
Alaska officials who attended were: Corporate Affairs & Legal Director Atty. Angela Esquivel, Regulatory Affairs Manager Joemare Dema-ala, Brand Manager Diane Guerta, Digital Marketing Manager Czar Roque, Activations Manager Cecile Jacela and City officials such as City Administrator Filemon I. Sibulo, Coun. Edgardo Berroya, Budget Officer Lourdes Remolacio, CSWD Head Fatima Autor, Chief Nurse Riah Fojas, PAIO staff, Zumba ladies, youth sector, SKL and senior citizens.

The post ALASKA WORLD MILK DAY FUN RUN appeared first on .

PCSO DUMALAW SA SAN PEDRO

$
0
0

Pitong indigent patients/beneficiaries mula sa lungsod ng San Pedro, na mahigpit na nangangailangan ng medical assistance para sa kanilang dialysis at chemotherapy, ang sumalang sa interview ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamagitan nina PCSO consultant Hilda Ong at CSWD head Fatima Autor noong June 7, 2018.
Isa ang pinakabatang pasyente na si Joshua Zahagon, 14, na may butas sa puso at Pure Red Cell Aplasia, na itinuturong na isang special case. Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi na siya nakakalakad at nagdulot na rin ito ng sobrang labo ng paningin. Ayon sa kanyang ina, simula ng pagsilang sa kanya ay labas-masok na ito sa ospital at hanggang sa kanyang paglaki ay kinakailangang salinan siya ng dugo kada buwan (lifetime blood transfusion) at uminom ng kanyang maintenance medicines.
Ang mga naturang pasyente na nakatakdang tulungan ng PCSO ay may mga karamdaman tulad ng cancer, leukemia at chronic kidney disease.

The post PCSO DUMALAW SA SAN PEDRO appeared first on .

PWD ORGANIZATION 2ND MONTHLY MEETING

$
0
0

 

Nagsagawa ang Persons with Disabilities (PWD) ng kanilang 2nd Monthly Meeting noong ika-6 ng Hunyo 2018 sa Multi- Purpose Hall ng San Pedro City Hall. Kasama ang iba’t-ibang oragnisasyon ng PWDs, tinalakay dito ang iba’t-ibang plano at programa ng pampubliko at pribadong paaralan para sa susunod na taon (2019). Ito ay pinamunuan ni PWD Consultant Raymund Mindanao kasama ang mga SPED teachers, School heads at mga presidente ng iba’t-ibang organisasyon ng PWD. Ayon kay CSWD head Fatima C. Autor, nararapat na ipagpatuloy ang gantong adhikain upang higit na maging aktibo at produktibo ang mga mamamayang may kapansanan.

The post PWD ORGANIZATION 2ND MONTHLY MEETING appeared first on .

SAN PEDRO – TUNASAN RIVER CLEANUP ISINAGAWA

$
0
0

 

Nagsama-sama sa isang makakalikasang layunin ang Muntinlupa at San Pedro sa pagsasagawa ng clean-up sa baybayin ng San Pedro Tunasan Boundary River o tinatawag na San Isidro River ng Brgy. San Antonio. Pinangunahan ni CENRO Head Malou Balba ang cleanup drive, katuwang ang MMDA ng Muntinlupa na sina Environmental Sanitation Center Lorna Misa, Engr. Leo Carpio at Engr Junie Inale. Tinanggal ang tambak na basura at matataas na damo upang magtuluy-tuloy ang pagdaloy ng tubig at paghahanda na rin ngayong tag-ulan. Ito ay isinagawa mula June 1-4, 2-18. Upang patiyak ang ang kalinisan ng ilog ay ibinilang na rin ang paglilinis sa gilid ng riles ng tren.

The post SAN PEDRO – TUNASAN RIVER CLEANUP ISINAGAWA appeared first on .

ENTRANCE EXAM NG ISKOLAR NG LUNGSOD NG SAN PEDRO (ILSP) ISINAGAWA

$
0
0

 

Muling isinagawa ang entrance examination ng mga estudyante na nagpa rehistro para sa “Iskolar ng Lungsod ng San Pedro (ILSP)” noong June 1 at 2, 2018 sa Sampaguita National Highschool, Bgy. Calendola.
Ayon kay ILSP Coordinating Officer Ms. Maribeth Salazar, 1,200 mga estudyante ang kumuha ng exam para sa San Pedro Educational Assistance Program (SPEAP), samantala 250 naman para sa Full Scholar at 100 naman para sa San Pedro City Polytechnic College (SPCPC) para sa taong 2018-2019.

The post ENTRANCE EXAM NG ISKOLAR NG LUNGSOD NG SAN PEDRO (ILSP) ISINAGAWA appeared first on .


111 NA KABABAIHAN NILAGYAN NG IUD

$
0
0

Patuloy na isinasagawa ng City of San Pedro, sa ilalim ng pamunuan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, ang programa sa family planning sa pamamagitan ng paglalagay ng intrauterine device (IUD) implant sa mga kababaihan na isinasagawa sa Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) noong Hunyo 1, 2018.
Mula sa iba’t-ibang barangay, nilagyan ang 111 na kababaihan ng implant (implanon) sa pamamagitan ni Dra. Annabelle Fajardo. Ang implant (Implanon) ay isang maliit at manipis na kapsula na naglalaman ng progesterone. Ito ay inilalagay sa ilalim ng balat ng braso ng mga kababaihan upang maiwasan ang pagbubuntis hanggang tatlong taon at maiwasan ang pagdami ng kanilang mga anak. Bukod dito, nagkaroon ng talakayan tungkol sa pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ni Provincial Population Officer Josefina Yaneza, Population Program Officer Andiolina Estalilla at Mary Grace Reyes.

The post 111 NA KABABAIHAN NILAGYAN NG IUD appeared first on .

DENTAL AT MEDICAL MISSION PARA SA MGA INMATES

$
0
0

 

Dental Mission

Patuloy na ipinagkakaloob ng mga ispesyalista/dentista ng Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) at City Health Office (CHO) personnel ang libreng dental services para sa mga inmates ng BJMP-San Pedro, na umabot sa 148 patients, upang maisaayos ang dental na pangkalusugan ng mga ito sa nasabing pasilidad. Ayon sa Head Dentist na si Dr. Medardo Ramirez, ang ganitong gawain ay bahagi ng kanilang mandato at programa na maihatid ang tulong dental sa mga San Pedronians, sang-ayon sa mahigpit na tagubilin ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, na magpaabot ng libreng serbisyo sa mga kababayang nasa loob ng piitan.

 

Medical Mission

 Dalawang daan tatlongpu’t tatlong (233) mga bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP R-4A) sa lungsod ng San Pedro, ang natulungan sa tatlong araw na Medical Mission ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at Jose L. Amante Emergency Hospital personnel noong May 17, 18 at 22, 2018. Ayon kina Dr. Pablo Marcial, mga komadrona na sina Jacquilyn Enriquez, Madonna San Miguel at Epifanio Herrera, at staff nurse na si Jamille Ambayec, ito ay isang magandang pagkakataon na maipakita ng lokal na pamahalaan ang pagpapahalaga nito sa kalusugan ng mga inmates. Dagdag pa nila na ang karaniwang sakit na idinulog sa kanila ng mga bilanggo ay skin rashes, pigsa (boils), cough & cold, at hypertension. Bukod sa check-up ay nakatanggap din ng libreng gamot ang mga inmates.

The post DENTAL AT MEDICAL MISSION PARA SA MGA INMATES appeared first on .

PRIME WATER SAN PEDRO BIBIGYANG SOLUSYON ANG MARUMING SUPLAY NG TUBIG

$
0
0

 

Nagsagawa ang Pamunuan ng Lungsod ng San Pedro kasama ang SPWD-Primewater at BAP Construction (Contractor ng ginagawang drainage) ng isang forum sa mga apektadong barangay upang pag-usapan ang mga hinaing tungkol sa patubig ng SPWD-Primewater. Dinaluhan ito ng mga apektadong mamamayan at pamunuan ng iba’t-ibang barangay tulad ng Sto. Niño, Cuyab, Nueva, Poblacion, San Roque at Landayan. Ito ay isinagawa sa Ceremonial hall noong Hunyo 11, 2018.
Kabilang sa mga nirereklamo ng mga tao ay ang kawalan ng supply ng tubig, marumi at mabahong tubig na lumalabas sa gripo at mahal na singil. Ayon kay SPWD-Primewater General Manager Guillermo Pili Jr, nagkaroon ng damage ang pipeline sa Rizal at Luna Sts., kung kaya’t agad nila itong ginawa at nilagyan na ng panibagong tubo. Dagdag pa nito na mayroong kasalukuyang programa ang primewater kung saan layon nito na maglagay ng pumping station upang magtuluy-tuloy ang supply ng tubig. Sa usapang water billing naman, ay patuloy anilang pag-aaralan at pag-uusapan ang naturang isyu. Sa mga mawawalan naman ng tubig, sinabi ni Engr. Rey Yepez na magkakaroon sila ng flushing o paglilinis ng mga linya ng tubo, at magbibigay ng announcement at leaflets na ipapakalat sa mga barangay na may nakalagay na schedule upang mapaghandaan ng mga residente ang pagkawala ng tubig. Hiling din nito na magbigay at mag update ng mga cellphone numbers ang mga residente upang makatanggap ng mga advisory.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Admin head Filemon I. Sibulo, Coun. Edgardo M. Berroya, Brgy. Chairmen Abet Alon-Alon, Abet Aquino, Boy Pastidio at Cora Amil.

The post PRIME WATER SAN PEDRO BIBIGYANG SOLUSYON ANG MARUMING SUPLAY NG TUBIG appeared first on .

19 PARES LUMAHOK SA KASALANG BAYAN

$
0
0

 

Nakibahagi sa isinagawang Kasalang Bayan ng lokal na pamahalaan ang 19 pares na nagsipag-isang dibdib sa lungsod na ito noong June 20, 2018.
Ang seremonya na pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ay isang programa na layong makapagbigay ng libreng seremonya ng kasal sa mga residente ng lungsod. Ani ng punong lungsod, hindi mahalaga kung magarbo o simple lamang ang kasal ng isang mag-asawa, mas mahalaga aniya ang patuloy na pagpapakita ng pagmamahal, respeto at paggalang sa isa’t isa upang magsilbing halimbawa sa lahat lalo’t higit sa kanilang mga anak.
Matapos ang pagbabasbas ay pinagkalooban ang mga bagong kasal ng libreng cake,buffet at photo services.
Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat ang 19 pares sa inisyatibo ng pamahalaang lungsod upang tulungan silang gawing legal at may basbas ang kanilang pagsasama lalo na ang mga matagal nang nagsasama at walang kakayahan upang magpakasal ng maayos dahil sa kakulangang pinansyal.

        

The post 19 PARES LUMAHOK SA KASALANG BAYAN appeared first on .

JUNE 2018 – LIST OF VACANT POSITIONS

$
0
0

 

No. Position Title Plantilla Item No. Salary/ Job/ Pay Grade Monthly Salary Qualification Standards Place of Assignment
Education Training Experience Eligibility Competency         (if applicable)
1 Revenue Collection Clerk II 216 7-1        15,254.00 Completion of two year studies in college none required none required Career Service (Subprofessional) First Level Eligibility not applicable City Treasurer’s Office
2 License Inspector I 452 6-1        14,340.00 Completion of two year studies in college none required none required Career Service (Subprofessional) First Level Eligibility not applicable Office of the Economic Enterprise-BPLO

 

Interested and qualified applicants should signify their interest in writing. Attach the following documents to the application letter and send to the address below not later than July 13, 2018.

  1. Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with recent passport-sized picture (CS Form No. 212, Revised 2017) which can be downloaded from csc.gov.ph
  2. Performance rating in the present position for one (1) year (if applicable).
  3. Photocopy of certificate of eligibility/ rating/ license and
  4. Photocopy of Transcript of Records
  5.  NBI Clearance
  6. NSO Birth Certificate
  7. NSO Marriage Certificate (for married female)

Qualified applicants are advised to hand carry/ send through courier or email their application to:

HON. LOURDES S. CATAQUIZ (c/o)  CITY HUMAN RESOURCES MANAGEMENT OFFICE

4th Floor, City Hall Building Brgy. Poblacion , San Pedro Laguna

Email: admin@cityofsanpedrolaguna.gov.ph

Applications with incomplete documents shall not be entertained.

Please call HRMO (Human Resource Management Office) at 808-2020 local 406/407 for further inquiries.

The post JUNE 2018 – LIST OF VACANT POSITIONS appeared first on .

Viewing all 1703 articles
Browse latest View live