Ang pagbubukas ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa buong buwan ng Disyembre sa Lungsod ng San Pedro ay ginanap Ika-1 ng Disyembre, 2015 sa City Plaza mula ika-apat ng hapon hanggang ika-walo ng gabi. Ang programa ay binuo nang tatlong bahagi: ang pagtugtog ng banda ng mga paaralang Pacita Elementary School, Laguna Northwestern College at IETI, samantalang ang Sampaguita Band ay nagbigay ng angkop na welcome at background music sa mga piling pagkakataon. Nagpakitang gilas ang iba pang mga paaralan sa pamamagitan ng iba’t ibang dance performances.
Ang mga lumahok na grupo at paaralan ay: VNE Productions, Amazing Grace School ng San Vicente, Kids Nucleus Montessori School, Liceo de San Pedro, San Pedro Technological Institute at Polytechnic University of the Philippines.
Pinangunahan ng isang panalangin ng Kura Paroko ang programa. Dumating si Mayor Lourdes Cataquiz na siyang naunang nagbigay ng mensaheng pamasko at nagpailaw ng mga Christmas Lanterns sa palibot ng plaza matapos ang isang countdown. Winika ni Mayor na ang Panginoon ang dapat nating alalahanin sa lahat ng ating pagdiriwang. Ang mga kandidato ng partido BOOM HALAL ay nagsipagbigay ng kani-kanilang Mensaheng Pamasko. Kabilang sa mga panauhin ang mga principals at bagong District Supervisor ng Department of Education.
Nasaksihan ng lahat ng mga dumalo ang masigabo at maningning na fireworks na siyang nagsilbing hudyat para sa pagtatapos ng programa sa gabing yaon kasama ang lahat ng pagbati at pasasalamat sa mga lumahok at sponsors tulad ng Jollibee, Fresh Options,atbp.
The post UNANG ARAW NG “PASKUHAN SA SAN PEDRO ” MANINGNING, MAKULAY AT MASAYANG NAIDAOS appeared first on .