Matagumpay na naisagawa ang programa ng ating Pamahalaang Lungsod ang Alay Lakad 2015 na may temang “Alay Lakad Para sa Magandang Kinabukasan” noong ika-28 ng Nobyembre, 2015.
Pinangunahan nina City Mayor Lourdes S. Cataquiz, Former Mayor Calixto R. Cataquiz, mga Konsehal, Gov. Ramil L. Hernandez, Board Member Angelica Jones-Alarva, CT BOOM HALAL-LU at kawani ng Pamahalaang Lungsod. Nakiisa din sina Ms. Korina Sanchez-Roxas, Hon. Liza Hontiveros, DOJ Sec. Laila De Lima at ang kinatawan ni Leni Robredo ang kanyang anak na si Tricia Robredo.
Ito ay taunang itinataguyod ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng CSWD para sa mga kabataang walang kakayahang makapag-aral dahil sa kakapusan sa pananalapi.
Ang mga kalahok ay hinati sa tatlong assembly areas sa Pacita Complex, Calendola (Total) at Gateway Park (San Antonio). Ang meeting time ay 5:30 a.m. at ang starting time sa paglakad 6:00 a.m. patungo sa San Pedro City Plaza.
Kabilang sa mga dumalo ay mga iba’t ibang sektor na pampubliko at pribado, pamunuan ng mga Barangay, pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya, high school at kolehiyo, government at non-government organizations, junior city officials 2015, homeowners’ associations, religious groups, senior citizens, youth groups, Samahang Kababaihan/Kalalakihan ng Laguna at marami pang iba.
The post “ALAY LAKAD PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN” MATAGUMPAY NA GINANAP appeared first on .