Nagsagawa ng Workshop on Drug Clearing Requirements and Updating Watchlist ang PNP-San Pedro katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mga Brgy. Chairman and council sa pangunguna ni ABC. Pres. Diwa T. Tayao upang alamin kung ilan pa sa bawat barangay ang may Persons Who Used Drugs (PWUD’s) na ginanap sa Multi-purpose Hall, Hulyo 3.
Iniulat ni San Pedro-PNP Chief Reycon L. Garduque ang kasalukuyang katayuan ng 27 barangay kaugnay sa iligal na droga. Mayroong 12 drug-cleared barangay ang San Pedro. Tinalakay rin ang pagbuo ng requirements ng drug clearing folder na kailangang isumite sa July 25.
Ayon kay Inspector Agent Norman Balquidra ng Provincial Office kailangang tumulong ang mga barangay upang maidentify ang mga taong involve sa droga. May mga ilang barangay na kulang sa kooperasyon kaya ito ay kailangang mabigyang pansin upang masagip ang mga PWUD’s at maisakatuparan ng lungsod ang “City Drug Free Workplace.”
Photos by: Joey Castillo
The post WORKSHOP ON DRUG CLEARING REQUIREMENTS AND UPDATING OF DRUG WATCHLIST appeared first on .