Isangdaan at anim (106) na mga kababaihan ang dumalo sa isinagawang Breast and Cervical Cancer Awareness Seminar ng City Health Office sa pangangasiwa ni Dr. Robert R. Olivarez sa Multi-Purpose Hall ng Southville 3A, Bgy. San Antonio, Mayo 27.
Naging resource person si Administrative Officer and Head of Nursing Services ng City Health Office, Ms. Riah R. Fojas. Layunin nito na magkaroon ng kamalayan at kaalaman ang mga kababaihan sa breast at cervical cancer upang ito ay maiwasan at kasama na din dito ang early detection. Hinikayat din ni Ms. Fojas na mamuhay ng malusog na nangangahulugang kumain ng tama, magehersisyo at iwasan ang paninigarilyo at paginom ng alak. Samantala, tatlumpo (30) sa kanila ang sumailalim sa libreng pap smear sa isinagawang seminar.
Photos by: Joey Castillo
The post BREAST AND CERVICAL CANCER AWARENESS SEMINAR ISINULONG appeared first on .