Nagsagawa ang lungsod ng San Pedro ng 1st Convention for Persons with Disability upang maitaas ang kamalayan tungkol sa pansin at tulong na kailangan ng mga taong may kapansanan, suportado ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na ginanap sa PUP-San Pedro Campus noong April 12.
“Tamang Kaalaman-Bagong Simula-Kaagapay sa Pag-unlad ng Buhay ng bawat PWD ng San Pedro” ang tema sa isinagawang convention na pinangunahan nina CSWD Head Fatima Autor, Coun. Bobot Berroya, PWD Focal Person
Raymund Mindanao at Myrhalyn Musico.
Dumalo ang 400 na PWD’s at nagkaroon ng Livelihood, Skills and Life Enhancement Clinic/Seminar na kung saan nais nilang matuto sa native delicacies, urban gardening, hydroponics, cosmetology, professional arts, massage/reflexology at embutido making.
Layunin ng Livelihood /Pangkabuhayan Project na itaas ang kamalayan ng publiko na ang mga taong may kapansanan ay napakalaki ng maitutulong upang mabawasan ang walang pinagkakakitaan at makatulong sa paglago ng kabuhayan ng lungsod.
Photos by: Joey Castillo
The post CITY OF SAN PEDRO HOLDS 1ST PWD CONVENTION appeared first on .