Dinaluhan ng 180 na mga buntis mula sa iba’t-ibang barangay ang Buntis Congress, programa ng City Health Office (CHO) na pinangunahan ni City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo na isinagawa sa Multi-purpose hall, March 29.
Hinikayat ni JLAEH Chief Nurse Riah Fojas na kailangang sa hospital, health centers at lying-in center lamang dapat manganak kung saan mayroong birthing facility at maaasikaso ng maaayos ng mga doktor, nurses at midwife upang maiwasan ang kapahamakan ng mga ina at sanggol dulot ng mga komplikasyon.
Nagbahagi ng kaalaman sina Dra. Melanie Zablan at Nutrition Officer Helen Tapan na nagsagawa ng mga lectures sa kahalagahan ng pre-natal check-up, sintomas ng mga panganib sa panahon ng pagbubuntis at maaaring komplikasyon sa panahon ng nagdadalantao, pagkakaloob ng immunization ng nanay at sanggol, tamang pagpaplano ng pamilya at benepisyong makukuha ng sanggol kapag nagpapasuso ang isang nanay.
Photos by: Joey Castillo
The post BUNTIS CONGRESS DINALUHAN NG 180 NA BUNTIS appeared first on .