Iniabot nina DILG Officer, Jennifer Quirante kasama si Executive Sec. Lirio P. Rivera kay CENRO Head Marilou Q. Balba ang Dropside body truck bilang Performance Challenge na nagkakahalaga ng 3.4M mula sa pondo ng Pamahalaang Lungsod bilang karagdagang gamit para sa Solid Waste Management pagkatapos ng Flag Raising Ceremony, Feb. 18. Pinagsisikapan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ang pananatili ng kalinisan at kaayusan ng lungsod kung kaya’t patuloy na ipinatutupad ang maayos na paraan ng pagtatapon ng mga basura. Naniniwala si Hon. Mayor Lourdes S. Cataquiz na kung malinis ang buong lungsod, maiiwasan ang pagkakasakit at mananatili ang sariwang hanging malalanghap ng mga mamamayan.
Photos by: Redentor Abragan
The post DROPSIDE BODY TRUCK ACQUISITION appeared first on .