Tinanggap na ni POSO Head Vangie Allen ang susi ng tatlong (3) Mobile Patrol mula kina City Admin. Filemon I. Sibulo at DILG Officer Jennifer Quirante. Ito ay mula sa Performance Challenge Fund (PCF) na nagkakahalaga ng P2.4 million. Kabilang sa pondong ito ang ang ibinigay na (5) unit ng motorcycle noong nakaraang Disyembre. Samantala, tumanggap din si PNP Chief Giovanni ng dalawang (2) pick-up na mobile patrol mula naman sa pondo ng Peace and Order & Public Safety Plan (POPS Plan). Ang mga susi ng naturang mga sasakyan ay ipinagkaloob pagkatapos ng Flag Ceremony ng mga kawani, Jan. 14. Ang mga ito ay ipinagkaloob upang magamit sa pag-iikot sa iba’t-ibang barangay. Hangad ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na mapalakas ang police visibility sa buong lungsod upang bumaba ang krimen at mas lalong maprotektahan ang mga mamamayan. Photos by: Joey Castillo
The post POSO AT PNP SAN PEDRO TUMANGGAP NG MGA MOBILE PATROL CARS appeared first on .