Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

SAN PEDRONIAN, ITINANGHAL NA MS. PHILIPPINES INTERNATIONAL GLOBAL

$
0
0

Nagbigay pugay si Angelic B. Ciolo, 17 yrs old , Grade 12 ng Brgy. Laram, na nagwagi bilang Ms. Philippines International Global 2018 kay Hon. Mayor Lourdes S. Cataquiz sa Pamahalaang Lungsod, Enero 7. Ang kanyang pagwawagi sa Beauty Pageant na ito na ginanap sa AFP Theater Camp Aguinaldo, Quezon,City, Dec. 29 at nilahukan ng 30 kandidata ay isa lamang pagpapatunay na hindi lamang sa maayos na pamamalakad ng pamahalaan maipagmamalaki ang City of San Pedro kundi maging sa mga National at International Beauty Pageants. “If you will wake up tomorrow, what power would you like to have?’. “ If I will wake up tomorrow, I would wish to have the power to empower people and to influence them to spread world peace for it is the unity, the coherence and the love towards one another that secures a bright world for us and for the future generation.” Sa kanyang kasagutan mababakas ang kanyang talino na ginamit din nya noong siya ay maging Jr. Municipal Official ng pamahalaang lungsod. Siya ang pinakabata sa lahat ng lumahok sa pageant subalit ipinakita niya ang kanyang tatag ng loob at tiwala sa sarili. Lubos ang kanyang pasasalamat kay Mayor Lourdes S. Cataquiz sa walang sawang suporta gayudin sa kanyang mga magulang na sina G. Vivencio A.Ciolo at Gng. Elenor B. Ciolo. Siya ang magiging representative ng Pilipinas sa Ms. International Global 2019. Photos by: Redentor Abragan

The post SAN PEDRONIAN, ITINANGHAL NA MS. PHILIPPINES INTERNATIONAL GLOBAL appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

Trending Articles