Nagsagawa ng General Assembly: “Increasing Participation to LGU Projects” para sa Homeowner’s Associations at Civil Society Organizations upang malaman ng lahat kung ano ang mga proyekto at programang ginagawa ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz. Ibinida ng SPUD, CENRO, Agriculture, PNP-San Pedro, CSWD at GAD ang mga proyektong pagpapaganda sa lungsod at maayos na aktibong pagganap ng mga departamento sa kanilang tungkulin tulad ng pag-uulat patungkol sa Solid Waste Management/Urban Greening/Edible, Program for the Protection of Children, Disaster Risk Reduction and Management, Peace and Order: Barangay-Based Drug Rehabilitation Program at City Cooperative and Livelihood. Patunay dito ang maraming parangal na inani ng lungsod tulad ng Seal Of Good Local Governance (SGLG). Pinasalamatan ni City Administrator Filemon I. Sibulo ang mga dumalo at hiniling ang patuloy na pakikipagtulungan para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod. Ito ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Council sa pangunguna ni Executive Secretary Lirio Rivera.
Photos by: Joey Castillo
The post GENERAL ASSEMBLY PARA SA MGA HOA AT CSO appeared first on .