Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

SPCPC 1ST FOUNDING ANNIVERSARY

$
0
0

 

Ipinagdiwang ang First Founding Anniversary ng San Pedro City Polytechnic College (SPCPC) noong Oktubre 10 -13, 2018 na sa kasalukuyan ay may 120 mag-aaral sa kursong BS Information Technology at BS Business Administration Major in Human Resource Development. Ito’y sinimulan ng isang Thanksgiving Mass sa San Pedro Sports Complex noong Oktubre 10 at sinundan ito ng “Sports Fest 2018”. Nagtunggali ang mga mag- aaral sa larong basketball, volleyball, badminton, table tennis at iba’t-ibang mind games. Nagkaroon din ng paligsahan sa poster making at essay writing na isinigawa sa Pavilion Hall noong Oktubre 12. Para sa huling araw ng kanilang pagdiriwang, isang makulay at masayang Gala Night ang idinaos noong Oktubre 13 sa Atrium Hall ng San Pedro City. Nagkaroon ng tagisan ng talento ng mga mag-aaral sa SPCPC’s Got Talent. Nagsilbi din itong awarding ceremonies para sa mga nag wagi sa ginanap na sports fest, poster making at essay writing contests. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng SPCPC Board of Trustees na sina, Hon. Jamie Ambayec at Dr. Mercedes Oliver, SPCPC Board of Truestees Secretary Atty. Don Angelo S. Luna kasama ang mga SPCPC Officials na sina Engr. Filemon I. Sibulo, Napoleon V. Islan at Dr. Maribeth F. Salazar. Dumalo din sina Hon. Edgardo Berroya, Hon. Bernadeth Olivares at Hon. Kent Lagasca. Bilang kumatawan kay Mayor Lourdes S. Cataquiz, ipinarating ni Hon. Berroya na isinulong ni Mayor Cataquiz ang SPCPC upang matugunan ang pangangailangan sa tertiary education na isa sa adhikain ng Pamahalaang Lungsod at matulungan ang bawat mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap.

Photos by: Joey Castillo and Thirdy Caponpon

The post SPCPC 1ST FOUNDING ANNIVERSARY appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles