Sa pangunguna nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A Manuel Corton at LGU-Link Arman Gomez, pinamahagi ang pay-out ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagkakahalagang P4.5 million sa 1,322 na beneficiaries sa lungsod ng San Pedro noong Setyembre 18, 2018 sa Multi-purpose hall. Ang 4Ps ay isang programa ng pamahalaang pambansa na naglalayong maitaas ang kalidad ng buhay ng mahihirap na pamilyang Pilipino.
Ang kabuuang salaping handog ng 4Ps ay binubuo ng allowance at pondong pangkalusugan at pang-edukasyon. Nagkaroon din ng buwanang pagpupulong ang CSWD upang masubaybayan ang pamilyang tinutugunan ng 4Ps na kung saan sila ay patuloy pa rin na tumutupad sa pinagkasunduang mga kondisyon at alituntunin ng programa.
Photo by: Paul Caponpon III
The post 4PS PAYOUT PATULOY NA IPINAMAMAHAGI appeared first on .