Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1593

PROSTATE AND LUNG CANCER AWARENESS SEMINAR

$
0
0

 

Isinagawa ng City Health Office (CHO) sa pangunguna nina Dr. Robert R. Olivarez at Riah Fojas ang Prostate and Lung Cancer Awareness Seminar noong Setyembre 17 sa Atrium Hall ng Lungsod ng San Pedro. Ito ay dinaluhan ng 200 katao na kinabibilangan ng mga kawani ng City Hall.

Tinalakay ni Dr. Josef Ibarra ang mga sintomas, uri ng lunas at kung paano maiiwasan ang prostate cancer. Ayon sa kanya, ang nasabing uri ng cancer ay isa sa mga pangunahing problema ng kalalakihan na may edad 40 pataas. Kanyang iminungkahi na magpa-Digital Rectal Exam (DRE) at Prostate-specific Antigen (PSA) test upang maagang mabigyan ng lunas ang sinumang may ganitong karamdaman. Nagkaroon ng libreng PSA test para sa mga kalalakihang dumalo sa nasabing seminar.

Samantala, tinalakay ni Dr. Romeo Andaya ang lung cancer, na ang pangunahing sanhi ay usok ng sigarilyo. Kaya’t hinimok niya ang mga dumalo na itigil na ang paninigarilyo dahil sa masamang epekto nito sa naninigarilyo at mga nakapaligid sa kanya.

Photo by: Joey Castillo

The post PROSTATE AND LUNG CANCER AWARENESS SEMINAR appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1593

Trending Articles