Pinarangalan ng pagkilala ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), matapos nilang magwagi bilang 3rd runner-up sa UNTV-DILG Rescue Summit 2018 na ginanap noong July 11, 2018 sa Quezon City Memorial Circle. Ayon Ayon sa Deputy CDRRM Officer Nico Pavino, ang pagkapanalo ng ikatlong puwesto ng “Bagwis ng San Pedro” ay karangalan ng lungsod dahil ito aniya ang kauna-unahan nilang pagsali sa naturang rescue competition kung saan nakalaban nila ang Provincial Disasters mula sa lima pang rehiyon na regular ng sumasali sa naturang kumpetisyon. Parte nito ay pinasalamatan ng grupo ang Bureau of Fire Protection (BFP)-San Pedro, na pinamumunuan ni Capt. Alma Cassandra Gardose, na kanilang nagsilbing “coach” o tagapagsanay bago sumalang sa kumpetisyon, at si Mayor Lourdes S. Cataquiz sa ibinigay nitong walang habas na suporta sa grupo. Bilang 3rd runner-up ay naiuwi ng Bagwis ng San Pedro ang P500,000 na papremyo.
CONGRATULATIONS CDRRMO’s Bagwis ng San Pedro!!!
The post BAGWIS NG SAN PEDRO NAG-UWI NG P500,000 NA PAPREMYO appeared first on .