Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

BRGY. SAN VICENTE TURN OVER CEREMONY OF NEWLY-ELECTED BRGY. OFFICIALS

$
0
0

 

Makaraan ang tatlong (3) taong panunungkulan ni Kgg. Kitten Campos bilang barangay chairman ng Brgy. San Vicente ay nagkaroon ng turn over ceremony bilang pagkilala sa bagong liderato ni Kapt. Diwa Tayao, na ginanap noong Hunyo 25, 2018 sa Laguerta Covered Court Brgy. San Vicente.
Malaki ang pasasalamat ng lahat dahil natupad na rin ang barangay separation na sinimulan at pinaghirapan ni dating mayor Calixto R. Cataquiz at ipinagpatuloy naman sa pamumuno ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz. Dito’y nabuo ang pitong (7) barangay: Chrysanthemum, Fatima, Maharlika, Pacita 1 Pacita 2 Rosario at San Lorenzo. Bilang pagsuporta sa bagong tatag na mga barangay ay naglaan ng pondo ang alkalde sa mga ito na nagkakahalagang 2. 5 million bilang panimula at pagpapatayo ng barangay hall na may kumpletong kagamitan. Nagpasalamat naman si Brgy. Chairman Tayao sa lahat sa pagtulong at pagtitiwala sa kanya ng kanyang mga tagasuporta at nangakong paghuhusayin ang kanyang pamumuno para sa ikauunlad at ikaaasenso ng original barangay San Vicente.
Nakiisa sa programa sina Provincial Dir. P/Supt John Kirby Kraft, Admin Filemon I. Sibulo, DILG Officer Jennifer Quirante, Exec. Assistant Aaron Calixto S. Cataquiz, dating mayor Calixto R. Cataquiz, Sangguniang Panlungsod, Barangay Chairman at Sangguniang Kabataan, Fr. Paul Bugay, HOA, Senior Citizens, Rotary Club of San Pedro, SKL at mamamayan ng San Vicente.

The post BRGY. SAN VICENTE TURN OVER CEREMONY OF NEWLY-ELECTED BRGY. OFFICIALS appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles