Nagsagawa ng “HIV/AIDS Symposium & Free Confidential HIV Screening” ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro para sa pagdiriwang ng “AIDS Candlelight Memorial Day”, sa Holiday Homes Phase 3 covered court, noong May18 at 19, 2018. Layon ng programang ito, na mula sa ilalim ng Gender and Development (GAD), na paigtingin ang pagpapakalat ng tamang kaalaman, pagpapalakas ng adbokasiya na umiwas sa hindi ligtas na pakikipagtalik at pag-iinvest sa HIV (Human Immunodeficiency Virus) prevention, testing services at iba pang HIV care services.
Ayon sa pamunuan ng City Health Office (CHO), mahalagang malaman kung positibo ang isang tao sa HIV para hindi mauwi sa komplikasyon. Ipinaliwanag din nila na wala mang lunas ang HIV, maaari namang mapigilan ang paglala nito patungo sa estado ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) kung maagapan ng pag-inom ng antiretroviral (ARV) drugs.
Ang programa ay pinangunahan nina City Health Officer Dr. Robert R. Olivarez at head nurse/HIV Proficient Medtech Riah Fojas, katuwang ang mga counselors na sina Cynthia Robles, Ruben Pulga at John Carlo Ensorio. Nakiisa din ang DYSD sa pangunguna ni Napoleon Amil; The Red Ribbon, HIV-AIDS Awareness Campaign Group, mga opisyal at miyembro ng LGBT Holiday Homes Chapter na sina Dario Delposo, Jeffrey Chio at marami pang iba.
Ang AIDS Candlelight Memorial Day ay isinasagawa bilang pag-alala sa PLHIV o Persons Living w/ HIV.
The post AIDS CANDLELIGHT MEMORIAL DAY ISINAGAWA NG PAMAHALAANG LUNGSOD appeared first on .