Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

INSPEKSYON NG TIMBANGAN ISINAGAWA SA MGA PALENGKE

$
0
0

 

Nagsagawa ng inspeksyon, weighing, calibration at check-up ng mga timbangan ang City Treasurer Department at Public Order and Safety Office (POSO) sa Suki Market, May 10, 2018. Isa itong mandatory procedure ng pamahalaang lungsod na ginagawa taun-taon. Ito ay naglalayong magkaroon ng accuracy ang lahat ng timbangan, partikular na sa mga pamilihang lungsod.
Karaniwan nang pinag-aawayan ng kostumer at ng mga nagtitinda sa palengke ang kulang sa timbang at iba pang mga reklamo ng pandaraya kung kaya’t regular na isinasagawa ang operasyong ito lalo na sa bagong stall owners.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga mamimili sa isinasagawang ito ng pamahalaang lungsod, sa tulong nina Ronald Capili, Iwee Temporosa, Louie Torello, Michael Miranda, Roberto Guevarra, Teody Pabale. Anila, malaking tulong ito na mawala ang kanilang agam-agam tuwing mamimili at makaiwas sa pandarayang ito.

The post INSPEKSYON NG TIMBANGAN ISINAGAWA SA MGA PALENGKE appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles