Naging masaya at masigla ang umaga ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, pamunuan ng iba’t-ibang barangay, public school teachers & students, San Pedro Athletes, Zumba Girls, NGOs, mga residente ng San Pedro, at iba pa, ng bumisita at nakibahagi si “Umagang Kayganda” host Gretchen Ho sa pagdiriwang ng Sampaguita Festival 2018 sa City Plaza noong May 3, 2018. Layon nito na maigunita ng pista ang kahalagahan ng Sampaguita sa kultura ng San Pedro, makahikayat ng turismo at paunlarin ang industriya ng sampaguita dito.
Dito’y ipinagmalaki ng San Pedronians ang mga natatanging produkto na gawa sa sampaguita tulad ng sabon, perfume, hand wash, maging ang sampaguita ice cream at sampaguita ice tea; mga kilalang food products & delicacies ng lungsod; at ang isang linggong mga malalaking programa na inihanda ng Pamahalaang Lungsod na makapagbibigay ng tuwa at galak sa lahat. Kasabay ng ABS-CBN live coverage ay nagkaroon din ng photo booth, poster-making contest, sampaguita floral making competition, sampaguita unity lei, magician at fortune teller upang higit pang pasiyahin ang mga mamamayang nagtungo sa City Plaza. Kasama rin sa isang linggong selebrasyon ang La Torre Band, Ginoo at Binibining San Pedro, San Pedro Got Talent, Cultural Night at marami pang iba.
Bago pa magsimula ang programa sa Plaza ay isinagawa din ang Grand Parade na nagsimula sa Centro Pacita patungo ng Plaza, kung saan nag-abang ang lahat bilang hudyat ng pormal na pagsisimula ng programa dito.
Ang Grand Parade ay pinangasiwaan ng San Pedro POSO-TMU, katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Incident Management Team (IMT), San Pedro Volunteer groups (Kabalikat Charity San Pedro, Kabalikat Guardians, Pro-riders), CSU, CFAU, San Pedro Aktibo Rescue Crew, Bureau of Fire Protection, City Health Office at San Pedro PNP.
The post PAGGUNITA SA SINING, KULTURA AT KASAYSAYAN appeared first on .