Sa pagdiriwang ng Sampaguita Festival ngayong 2018 sa Lungsod ng San Pedro ay muling isinagawa ang paligsahan sa poster making na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na may temang “San Pedro Sampaguita Pinagsama, Pinag-isa, Maunlad na Bayan, Kulturang Pinagyaman” kung saan 10 mag-aaral mula sa Junior Highschool ang lumahok at nagpakita ng kanilang angking talino sa pamamagitan ng pagguhit at pagsasalarawan sa tema ng pagdiriwang.
Kinilalang kampeon si Michael John Dulay na nagkamit ng P3,000 gantimpala na iniabot ni BFP Chief Alma Cassandra A. Gardose, kasama si City Mayor Lourdes Cataquiz, habang nasungkit naman ni Joseph Morcilla ang ikalawang pwesto at nakakamit ng P2,000, at P1000 naman para sa ikatlong pwesto na nakuha ni Honey P. Japin. Tumanggap rin ng tig P500 consolation prize ang lahat ng kalahok na hindi pinalad na magwagi.
The post POSTER MAKING CONTEST appeared first on .