Umarangkada nitong Miyerkules (April 18, 2018) ang Mobile Passport ng Department of Foreign Affairs (DFA), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng San Pedro na pinangunahan ni Ms. Arlene Quinto, OIC ng City Anti-Squatting Task Force (CASTF). Dito’y bumuhos ang 1,296 residente ng lungsod sa San Pedro Astrodome upang kumuha ng renewed at bagong pasaporte. Layunin ng programa na maibsan ang problema o tugunan ang kakulangan sa available na petsa o slot sa appointment website ng DFA.
The post MOBILE PASSPORT CARAVAN, UMARANGKADA appeared first on .