Nabuhayan ng loob ang 56 enrollees sa Welding Program ng Malasaga Institute of Technology, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Pamahalaang Lungsod, matapos magbukas sa kanila ang oportunidad na makapagtrabaho at kumita ng malaki sa ibang bansa.
Ayon kay Atty. Jay Malasaga, nagkaisa ang Malasaga at ang lokal na pamahalaan ng San Pedro, sa pamumuno ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, upang hindi lamang sila maturuan ng skilled o technical work kundi direkta rin silang maipasok ng trabaho sa labas ng bansa. Layon nito na mas marami pang matulungang skilled workers na mailabas at magamit ang kanilang kakayahan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan.
Kaugnay nito, makatatanggap din ang mga enrollees na magsisipagtapos ng tig-iisang portable welding machine.
The post MAGAGANDANG OPORTUNIDAD PARA SA MGA WELDING PROGRAM ENROLLEES appeared first on .