Nagsagawa ng unang pagpupulong ang mga bagong opisyales ng City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro Inc. (CASCASPI) na pinangunahan ng pangulo nito na si Diwa T. Tayao at CSWD head Fatima C. Autor. Kasama din ang lahat ng mga tumatayong Presidente ng Senior Citizens ng bawat barangay upang ipaabot sa kanila ang mga “updates” sa kanilang mga programa, mga obligasyon at responsibilidad bilang mga lider ng grupo. Kabilang sa kanilang paksa ang Holy week activities at mga financial reports. Matapos ang pagpupulong ay nagkaroon ng sayawan at kasiyahan para sa Valentines Day celebration. Ito ay naganap sa Multi-Purpose Hall noong February 23, 2018.
The post PAGPUPULONG NG MGA SAMAHAN NG SENIORS appeared first on .