Dahil sa mga sakit na dala ng lamok, partikular na ang dengue, ay patuloy na isinasagawa sa bawat barangay ang misting operations at paglalagay ng kemikal sa mga nakaimbak na tubig upang mapuksa ang mga lamok at mga pinamumugaran nito. Gamit ang donasyong kemikal tulad ng permitor at gokilath na water-based ng Department of Health (DOH) ay naging madali na ang pagpuksa sa mga lamok kung saan isang paraan nito ang paglalagay ng chemical powder o larvacide sa mga stagnant water.
Kaugnay nito, nanawagan sina City Health Officer Dr. Robert Olivarez at Sanitation Inspector Arlene Mendoza sa mga barangay leaders na patuloy na magsagawa ng clean-up drive sa lahat ng barangay at panatilihing malinis ang ating kapaligiran.
Ang misting operation, na suportado ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, ay nakapagsagawa na sa Brgy. Calendola, San Antonio, Poblacion, San Vicente, Sto. Niño, United Bayanihan at subdivisions simula Enero hanggang sa kasalukuyan.
The post MISTING OPERATIONS ISINASAGAWA appeared first on .