“Simula January 1, 2018, mararamdaman na ang pagbaba ng income tax dahil sa reporma sa buwis ng administrasyong Duterte na tinatawag na TRAIN or Tax Reform for Acceleration and Inclusion.”
Ito ang binigyang-diin ni Mr. Napoleon Islan, Accounting Office Head, kung saan ipinaliwanag nya ang updates ng tax advisories sa ilalim ng TRAIN, kasabay ng weekly flag ceremony noong Feb. 19, 2018, sa lobby ng San Pedro City Hall.
Ayon kay Islan, tataas ang take-home pay ng karamihan ng mga Pilipinong manggagawa, depende sa natatanggap kada buwan. Ngunit kasabay ng pagtaas ng monthly take-home pay ang pagtaas din ng buwis ng ilang karaniwang bilihin tulad ng inuming may asukal, produktong petrolyo, at mga sasakyan. Dagdag nito, babalikatin umano ng mayayaman ang malaking kontribusyon sa buwis at makikinabang ang mahihirap sa mas maraming programa at serbisyo ng pamahalaan.
The post PAGBABA NG INCOME TAX DAHIL SA REPORMA SA BUWIS appeared first on .