Sa isang Civil Society Organization Assembly na ginanap noong ika-27 ng Oktubre, 2015 mula ika-9:00 NU hanggang ika-5:00 NH sa San Pedro City Hall, nauna nang ipinaliwanag ng Community Mobilizer na si Benjamin Romero ang kasaysayan at kahalagahan ng Bottom up Budgeting at kung sinu-sino ang mga benepisyaryo ng proyektong ito.
Sa kanyang pagbibigay ng panguna…ng pananalita, si Romero ay unti-unting nagbukas ng kamalayan ng mga dumalo sa Civil Society Organization Assembly. Ito ay kanyang isinagawa sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kalahok kung may ideya ba sila sa Bottom-up Budgeting. Ipinaliwanag niya ang proseso at ang layunin ng Bottom up Budgeting. Ipinaliwanag din niya ang Pagpaplano ng Proyekto at ang mga layunin nito. Kanyang idinagdag na ang pangunahing hakbang sa pagpaplano ng proyekto ay ang pagkakaroon ng Civil Society Organization Assembly.
Pinangasiwaan ni CLGOO Ma. Aurora A. Robles ang programang kinapalooban ng mga sumusunod na gawain: Orientation on Local Governance and Bottom up Budgeting, Election of Representatives, Report on Status of Implementation of BUB Projects, Presentation of Poverty Data Indicators, Poverty Analysis Workshop, Reporting, Finalizing Analysis and Identification of Priority Projects.
The post ITINATAGUYOD NG DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT NG LUNGSOD NG SAN PEDRO ANG BOTTOM UP BUDGETING (BUB) appeared first on .