Nagkaroon ng “Orientation on Information and Advocacy on Anti-illegal Drugs Campaign and Barangay Drug Clearing Requirements 2018” upang palakasin pa ang kampanya laban sa droga sa lungsod ng San Pedro.
Ayon naman kay PDEA Regional Public Information Officer Mary Ann Lorenzo, kinakailangan ang commitment at nagkakaisang pagkilos upang tuluyang masolusyunan ang problema sa iligal na droga. “Kinakailangang higpitan pa ang pagbabantay upang maihinto ang paglaganap ng droga at gampanan ng bawat ahensya ang mga naiatang na tungkulin sa kanila upang palakasin pa ang puwersa sa pagsugpo sa illegal drugs sa lungsod ng San Pedro.”
Ang programa ay pinangasiwaan ng City Planning Development and Coordinating Office.
Dinaluhan nina DILG Officer Jennifer Quirante, CSWDO Head Ma. Fatima Autor, Exec. Assistant Lirio Rivera, CADAC, BADAC, Brgy. Chairman, NGO’s, PNP at Religious Organization na pinangasiwaan ng City Planning and Development Council na ginanap noong January 18, 2018 sa Pavilion Hall.
The post KAMPANYA LABAN SA ILLEGAL DRUGS, PINAIIGTING appeared first on .