Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

MGA KAWANI NG LUNGSOD, ISINAILALIM SA DRUG TEST

$
0
0

 

Mahigit 350 katao at empleyado mula sa City Fire Auxiliary Unit (CFAU), Public Order and Safety Office (POSO) at CSU ang dumaan sa random drug testing na isinagawa sa Pavillon Hall ng San Pedro City Hall, Dec. 27, 2017. Layon nito na linisin ang hanay ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod na siyang nagbibigay serbisyo sa publiko at nagpapanatili sa kaayusan at katahimikan ng San Pedro City.
Ang naturang drug testing ay naganap matapos ang kampanya ng City Health Office ukol sa pagpapatupad ng “smoke-free city” na alinsunod sa mandato ng Presidential Executive Order No. 26 o ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Dito’y ipinaliwanang ni Chief Nurse Riah Fojas at CHO-Health Promotion Officer Joseph Raymond Peloton ang mga batas o alituntunin na sumasaklaw sa Smoking Ban, tulad ng pagkakaroon ng nakatalagang lugar para sa paninigarilyo sa loob ng mga gusali, ngunit hindi maaaring magkaroon ng designated smoking area ang anumang establisimiyento tulad ng paaralan, ospital, mga lugar na wala pang 100 meters ang layo mula sa mga paaralan, at iba pang matataong lugar.

 

The post MGA KAWANI NG LUNGSOD, ISINAILALIM SA DRUG TEST appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles