Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

BREAST AND CERVICAL CANCER AWARENESS SEMINAR

$
0
0

 

Upang itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan sa lungsod, pinangunahan ng City Health Office ang isinagawang “Cervical & Breast Cancer Awareness” seminar sa Pavillon Hall ng San Pedro City Hall, noong ika-20 ng Disyembre, 2017.
Ayon kay Dra. Mary Ann Rivera, OB Gyne ng Jose L. Amante and Emergency Hospital, kasama sa top five na mga karamdaman ng mga Pinay ang nakamamatay na breast at cervical cancer, kaya naman mahigpit na hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga kababaihan na sumailalim sa breast and cervical cancer tests, partikular ang Mammography at pap smear, at gayundin ang ilang bakuna upang maiwasan at magamot ang naturang cancer. Tinalakay din nito ang causes, risk factors, warning signs at preventive measures ng breast & cervical cancer.
Nagbahagi rin si head nurse Riah Fojas ng kanyang inspirational story and journey bilang isang breast cancer survivor.
Ang naturang programa, na nasa ilalim ng Gender & Development Program, ay dinaluhan ng Samahan ng Kababaihan ng Laguna (SKL) at female employees ng San Pedro City Hall, sa kooperasyon ng City Human Resources and Management Office (CHRMO).

 

The post BREAST AND CERVICAL CANCER AWARENESS SEMINAR appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles