Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

SAN PEDRO SMOKE FREE CARAVAN PINANGUNAHAN NG CITY HEALTH OFFICE AT EXEC. ASSISTANT V AARON CATAQUIZ

$
0
0

 

Dahil sa lumalalang bilang ng mga taong namamatay dahil sa paninigarilyo, maging ito man ay first hand o second hand smoke, ay minabuti ng pamahalaang lungsod ng San Pedro na magsagawa ng “Smoke-Free Caravan” noong Nobyembre 18, 2017 sa City Plaza. Ito ay upang himukin ang San Pedronians na makiisa at tuluyan ng iwasan ang paninigarilyo sa pampublikong lugar para sa isang Smoke-Free City at Smoke-Free Environment.
Pinangunahan ng City Health Office ang paglulunsad ng kampanya laban sa paggamit ng tabako o sigarilyo. Dito’y ibinahagi nina CHO Head Nurse Riah Fojas at Executive Assistant V Aaron Cataquiz ang mga sakit na nakukuha dahil sa paninigarilyo, na nagiging sanhi ng pagkamatay ng iba, tulad ng hypertension, heart attack, stroke, cancer at lung disease.
Tanging ang pamahalaan ng San Pedro lamang sa buong lalawigan ng Laguna ang napili ng Department of Health sa kampanyang ito at makalahok sa natatanging “Red Orchid Award” na iginagawad sa mga lokal na gobyerno sa pagpapatupad ng pagbabawal sa paggamit at pagtangkilik ng sigarilyo at iba pang kauri nito.

The post SAN PEDRO SMOKE FREE CARAVAN PINANGUNAHAN NG CITY HEALTH OFFICE AT EXEC. ASSISTANT V AARON CATAQUIZ appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles