200 miyembro ng Aktibong Kababaihan ng San Pedro mula sa 6 na grupo – Ilang-Ilang SLPA, Lily SLPA, Sampaguita SLPA, Asenso SLPA, Sinag SLPA at Rose SLPA – ang dumaan sa masusing evalution at accreditation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A noong ika-26 ng Oktubre 2017. Ito ay upang mabigyang katuparan ang kahilingan ng mga lihitimong kababaihang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Sustainable Livelihood program (SLP) na mabigyan ng tulong puhunan para sa kanilang munting negosyo.
Tinalakay ni DSWD IV-A – PDO III Rosilin Seva ang mga pamantayan upang ma-accredit ang isang grupo at nagbigay ng mahahalagang paalala upang mapagtagumpayan ang pagpapalago ng kanilang negosyo.
Nakibahagi sa naturang programa si CSDW head Fatima Autor at staff, at pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.
The post MASUSING EVALUATION ISINAGAWA SA MGA MIYEMBRO NG AKTIBONG KABABAIHAN NG SAN PEDRO PARA SA TULONG PUHUNAN appeared first on .