Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

ALAY LAKAD 2017 MATAGUMPAY NA GINANAP

$
0
0

 

Naging Masaya at kapaki-pakinabang ang Alay Lakad 2017 na may temang “Kabataan para sa Pagbabago” noong ika-21 ng Oktubre, 2017. Ang Alay Lakad ay isang paraan upang makaipon ng pondo at matulungan ang mga kabataan na makapagtapos sa kursong kanilang nais at maging instrumento sa pagbuo ng kanilang pangarap.
Pinangunahan nina City Mayor Lourdes S. Cataquiz, Former Mayor Calixto R. Cataquiz, Sanguniang Panlungsod, kinatawan ni Gov. Ramil L. Hernandez na si Jojo Polinio, Cong. Arlene B. Arcillas at Sofronio Ramos ng Kiwanis Club of San Pedro bilang Lead Group ang naturang lakaran kung saan nakibahagi ang mahigit limang libong katao. Nakalikom naman ng mahigit P300,000. para sa out-of-school youths.
Ang mga kalahok ay hinati sa tatlong assembly areas sa San Antonio (Alaska) Calendola (Wellcom Harmony Mall) at Pacita (Reysal).
Kabilang sa mga dumalo ay mga iba’t ibang sektor na pampubliko at pribado, pamunuan ng mga Barangay, pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya, high school at kolehiyo, government at non-government organizations, homeowners’ associations, religious groups, senior citizens, youth groups, Samahang Kababaihan/Kalalakihan ng Laguna at marami pang iba.

The post ALAY LAKAD 2017 MATAGUMPAY NA GINANAP appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles