NAGBAHAGI ng kaalaman sina Salvacion S. Gomez, Registration Officer III, PSA San Pablo City, at Statistical Analyst Recelyn G. Masbate, sa “2nd Seminar/Training on Civil Registration & Related Laws” sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall, Sept. 27, 2017. Sa temang, “Pilipinong Rehistrado, Matatag na Kinabukasan ay Sigurado” ay tinalakay nila ang nilalaman ng Civil Registration & Vital Statistics Handbook for Health Workers kabilang ang pagkuha ng birth & death record/certificate, death registration (special cases), at general instructions in accomplishing the civil registry forms & certificate of death. Sakop nito ang mga OFWs or seamen na namatay sa ibang bansa o barko kung saan sila ay nagtatrabaho.
Ang naturang seminar /training ay pinangunahan ng Local Civil Registrar (LCR) sa pamumuno ni Mario Liwanag, at sinuportahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.
The post 2ND SEMINAR / TRAINING ON CIVIL REGISTRATION AND RELATED LAWS appeared first on .