Sa Pagdiriwang ng National History Week, ibinahagi ni Laguna Tourism, Culture, Arts and Trade Office (LTCATO) Head Dr. Rosauro A. Sta. Maria Jr. ang documentary film ukol sa mga lihim na kasaysayan ng pamilya ng ating pambansang bayani na si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o Jose Rizal sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall, Sept. 26, 2017.
Dumalo ang mga estudyante at guro mula sa 7 public high schools sa dalawang oras na “A Documentary Film in the Unpublished Chapters in Rizal’s Life & a Conference Forum” kung saan nadiskubre din nila ang hidwaan, yaman, koneksiyon sa pulitika ng pamilya Rizal, at tunay na kadahilanan sa paggiba sa makasaysayang mansion ng mga Alonzo sa Binan.
Kabilang sa programa sina Division Chief Peter Uckung ng LTCATO International Relations and Trade Division, at Kon. Jimbo Ambayec na nagbahagi din ng iba pang isyung pangkasaysayan. Pinangunahan ito ng Tourism Culture and Arts personnel Rose Celis, Salud Espinosa, Malou Ballano, Vicky Sieteriales, Ross Bautista at Christian A. Carpio. Dumalo din si dating mayor Calixto Cataquiz upang sumuporta sa programa.
The post LAGUNA TOURISM, CULTURE, ARTS AND TRADE OFFICE (LTCATO) HOLDS DOCUMENTARY FILM SHOWING ABOUT JOSE RIZAL appeared first on .