Magiging malaking hamon ang pagpapatupad ng istriktong smoke-free policy sa buong lungsod ng San Pedro matapos ihain ang mga plano hinggil sa mga proyekto na may kaugnayan sa smoke-free policy, pagpapakalat ng mga marshalls upang manghuli, mag-isyu ng tiket at mangumpiska ng id, at paglalagay ng mga signages tungkol sa masasamang epekto ng paninigarilyo sa mga designated areas.
Bilang kauna-unahang lungsod sa Laguna na may ordinansa sa “Smoking ban”, ay layon ng City of San Pedro na makamit ang Red Orchid Award – pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Department of Health sa mga institusyon na may 100 percent tobacco-free environment. Dahil dito ay nagsagawa ng pagpupulong para sa pagbuo ng Anti-Smoking Task Force na magpapaigting ng “No Smoking Ordinance” ang City Health Office (CHO) kabilang sina Cesar Ballano, chief nurse Riah Fojas at Ryan Arboleda RN na dinaluhan nina City Human Resource Management (CHRM) head Leah Lu-Morando, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) head Marilou Balba, DILG officer Jennifer Quirante, at iba pang department heads and representatives sa San Pedro City Hall, Sept. 22, 2017.
The post ANTI SMOKING TASK FORCE appeared first on .